Student's Commentary Series:

 "I wish PLN will be back next SY!"
Sa mga oras na napapakingan ko lahat ng mga leksyon talagang naaapektuhan ako. Ang mga leksyon na ito ay napapakinabangan namin dahil ito'y lahat para sa amin at nasesentro ang lahat ng kabataan. Masaya ako na naisipan ng PLN na kami'y maturuan kung ano ang Pure Love. Akala ko masama ang turuan ang kabataan tungkol sa mga tulad nito pero ito pala ang gabay para malaman namin kung papaano namin maipaglaban ang aming sarili at maging handa.

Mahalaga ang magkakaroon ng kaalaman simula noon hanggang ngayon kung ano ang pinagkakaiba ng mga kabataan. Nadagdagan rin ang aking kaalaman sa pakikitungo sa kapwa dahil naiikwento ko rin sa ibang kabataan ang aking mga nalalaman sa Pure Love Network.

Ang mga nagawa kong mali ay unti-unit kong naitama dahil minsan natatamaan ako sa punto ng mga pinag-uusapan.

Kaya nagpapasalamat ako ng malaki na hindi lang pala hanggang doon ang natutunan namion tungkol sa "Values" marami pa pala. Gusto ko pa sana na sa susunod na taon mayroon  pa ring ganito para di namin malimutan at mas lalo pa namin maintindihan at mapalago ang aming sarili, kung paano kami naka-pakaimportante sa mundo.

At dahil sa inyo (PLN), iaalay ko ang aking pasasalamat at sana marami pang kabataan ang inyong matutulungan upang maiwasan ang magulo at masakim na mundo.
-Elona Jane, Amparo National High School


 "PLN give me a way to become a better person."
Ako po talaga ay nagpapasalamat sa inyong mga ibinahagi na nakakabuti sa akin lalo nap sa aming mga teenagers. Binigyan ninyo nyo po ako ng daan upang maging responsable sa king gulang ngayon.

Sana magpatuloy pa po kayo sa pagbahagi ng mga mabubuting-asal. Binigyan din po ninyo ako ng kaliwanagan upang maging mabuting tao. Nagbigay kayo ng opinyon na maghintay sa tamang panahon tungkol sa love at sex.

Thanks always.
-Reymar, Amparo National High School


 "My life change a lot."
Salamat sa Pure Love Network dahil marami kaming natutunan at isa na ako doon sa mga taong nagbago dahil sa Pure Love Network.


Nagpapasalamt ako kasi hindi na ako yung dating Carlo, nagbago na, hindi na marunong manglait sa kapwa tao. Hindi na ako ang dating anak na laging nagbibigay ng problema sa mga magulang. Maraming salamat at binigyan ninyo ako ng linaw at sana ipagpapatuloy nyo pa ang inyong naumpisahan, mami miss namin kayo.

-Jhon Carlo, Amparo National High School



 "The paper is not enough to write the lessons I've learned."
Ang masasabi ko lang sa Pure Love Network ay nagpapasalamat ako kasi marami akong natutunan gaya nalang sa about love, kung paano ka iibig at kung paano ang panliligaw (courtship), kung paano intindihin ang mga bakla at tomboy. At ng dahil sa PLN marami akong natutunang mga bagay na hindi ko pa nalalaman about sa love o kaya'y kung ikaw ay iibig na. Natutunan ko rin na hindi dapat tayo magmadali pagdating sa love kasi mayroong tamang panahaon para dyan at nalaman ko rin kung ano ang totoong love.


Kaya malaki ang pasasalamat ko sa PLN dahil marami akong natutunan at sa dami nang aking natutunan hindi ko kayang isulat dito sa papel. Gusto ko nga araw-araw may klase kami sa PLN. Thank you so much.
-Rowena, Amparo National High School



 "I've learned to love myself."
Salamat dahil marami akong natutunan kung ano ang tunay na true love at ano ang dapat gawin kung papasok na sa ganitong mga bagay.
At dahil din sa PLN natutunan ko kung paano mahalin ang sarili, kung paano respetuhin ang kapwa tao, pagsunod sa Panginoon, at tamang pag-uugali.

-Roy, Amparo National High School
 

Love Forum LIVE on Schools

La Trinidad Integrated Secondary School

Taligaman National High School

San Vicente National High School

Pigdaulan National High School

Kinamlutan Integrated Secondary School

Father Saturnino Urios University

Amparo National High School